Saturday, October 07, 2006

tagalog post. (para maiba lang)

I admit (tagalog nga eh. kulit ko.) im not sure kung alam niya na naiinis ako sa kanya. naging sobrang envious ako f0r the longest time sa isang taong sabi nila eh wag ko daw pagselosan. hindi ko rin alam kung bakit inis na inis ako sa kanya. siguro the mere fact na sobrang minahal nya noon si girl. na he kept on seeing her almost all the time. na threatened ako sa fact na theyre having the same environment.

Ngayon, hindi ko sinasadyang mabasa yung blog niya. well, for quite sometime, kinalimutan ko ng tingnan yun dahil pinromise ko sa sarili ko na hindi ako maiinsecure. dahil there's no basis for comparison. iba sya, iba din ako. dati rin, pinipilit kong pigilan yung sarili ko na mag-message sa kanya kasi alam ko na gulo lang mangyayari if i would have to open a way of communication to her. kasi masakit. kasi hindi ko kaya makipag-usap sa kanya kahit gustong-gusto ko nang ipaubaya sha sa kanya. kasi i naisip ko, pag naging masaya sila together, makakamove on na rin ako.

*****************
hindi ko naman sinasadya talagang basahin yung blog mo. kasi alam ko hindi ka kasali sa mundo ko. pero nung sinabi mo na masaya ka for him, for us, na-guilty ako kasi nagalit ako sayo noon. na akala ko inaagaw mo sya sakin. na ayaw mo na shang patahimikin kahit may iba ka na. na bakit friends pa din kayo hanggang ngayon. na alam ko na mas marami akong pwedeng ibigay kaysa sa iyo. na mas malalim yung nararamdaman ko para sa kanya kaysa sa naramdaman ninyo para sa isa't-isa. punong-puno ng bitterness ang puso ko dahil sayo. pero kahit minsan, inaasar ko sya sa iyo, alam ko walang basehan para magalit pa ko. kasi pag ginawa ko yun, ako rin naman yung talo, ako pa nanakit sa sarili ko.

******************
its surprising na sa tagal ng gulo na ito, hindi naman sa all that ends well ang kwento. ni hindi nga kami magkakilala eh. sa pangalan, oo. ugali, malamang hindi. kaya nga i didnt bother to know you at all. aaminin ko, nagreresearch ako tungkol sayo noon. na pag may nababasa akong testimonial ng mga memories niyo, nasasaktan ako.na dumating sa point na willing na kong kausapin ka na maging kayo nalang ulit dahil pati ako naguguluhan sa inyo. at mas lalong willing ako mag-let go kung sasaya kayo.pero kung tatanungin mo ko kung gaano ko sya kamahal, papatunayan ko na mamahalin ko sha, no matter what it takes. na minsan kahit sabihin ng friends ko na wala na kong time para sa kanila, gagawin ko lahat kahit patayin ko sarili ko maprove lang na worth lahat ng ginagawa ko.

*****************
Ni hindi ko nga alam bakit ako nag-eexplain sayo ngayon eh. siguro dahil guilty ako for hating you. i never wanted us to be friends pero ayoko na rin mainis pa kapag nakikita kong viniview mo yung friendster profile niya. ayoko na rin maasar kapag naririnig ko yung pangalan mo. ayoko na din mabwisit kahit madalas kayo mag-email sa isa't isa noon. and most of all, ayoko na rin sumakit yung puso ko kasi mahirap kung ibabalik pa niya ulit sakin kung ano yung hawak niya ngayon.

*****************
but I wish you well too. and im sincere about that.

No comments:

Post a Comment

I dazzled you

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...